Posibleng abutin ng tatlong taon ang rehabilitasyon ng Marawi City.
Ayon kay Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra, sadyang napakalaki ng pinsalang dulot ng limang buwang bakbakan kaya’t mahabang panahon din ang gugugulin upang tuluyang makabangon ang lungsod.
Bagaman naglaan ang Department of Budget and Management o DBM ng 5 billion pesos na pondo bilang suporta sa mga evacuee, reconstruction ng mga nawasak na imprastruktura sa Marawi, maaaring hindi ito maging sapat.
Samantala, inihayag Defense Secretary Delfin Lorenzana na kahit abutin ng 50 billion pesos ang pondo para sa rehabilitasyon ay posibleng kapusin pa rin ito.
—-