Target ng Philippine National Railways (PNR) na masimulan na ang rehabilitasyon ng mga mga riles na biyaheng Bicol sa Disyembre o Enero ng susunod na taon.
Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, nakatakda nang lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang loan agreement para sa disenyo at pag manage ng mga riles pagtungo n’ya sa Beijing sa August 28.
Samantala, sinabi ni Magno na parating na rin ang dalawa sa siyam na bagong train na binili nila sa Indonesia.
Ni-redesign po natin yung byaheng papuntang Bicol, yung kinuha po ng designer natin, hinanap po yung pinakamabilis na daan papunta dun sa Naga. So, may mga kurbata po kami na 10 kms/hr o mga 5 kilometers, tinanggal na po natin ‘yan sa bagong design. Magiging 160 km per hour so ang Bicol po, yung Naga na dating kinukuha naming 18 oras baka 3 oras na lang,” ani Magno.
Balitang Todong Lakas Interview