Inaasahang matapos ang rehabilitasyon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal II sa Marso ng taong 2020.
Ito, ayon kay Ed Monreal, general manager ng MIAA o Manila International Airport Authority, ay dahil sa patuloy na pagsasaayos ng naturang terminal sa kabila ng mga hamon matapos itong simulan noong Disyembre.
Ilan sa mga isinailalim sa rehabilitasyon ang mga sirang sahig, kisame, baggage claim areas, pre-departure at fixed bridge gates, airconditioning system, fire protection at communications system.
Kaugnay nito ay nanawagan si Monreal sa publiko ng mas mahabang pang-unawa para sa mga pasaherong apektado ng naturang rehabilitasyon.