Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng tumagal pa ng isang henerasyon ang rehabilitasyon ng Pasig River.
Sa kanyang Labor Day speech sa Cebu City kahapon, inihayag ni Pangulong Duterte na maaaring abutin ng dalawa hanggang tatlong Presidente bago tuluyang mabuhay ang Ilog Pasig.
Ikinumpara rin ng punong ehekutibo ang rehabilitasyon ng naturang ilog sa development ng Singapore na inabot ng mahigit sampung taon.
Inamin din ni Pangulong Duterte na na-sa-suffocate siya sa masangsang na amoy ng Pasig River tuwing siya ay nasa Bahay Pagbabago.
Magugunitang inihayag ng Malakanyang na inaprubahan sa cabinet meeting noong Abril ang Pasig River Ferry Convergence Program.