Nagsisimula nang maghanap ang pamahalaan ng malaking developer para sa mas malaki pang programa kaugnay ng pagbangon ng Marawi City.
Ito ay matapos ang pagkakaloob ng mga pansamantalang tirahan sa mga internally displaced persons sa lungsod.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay sa harap na ng bisyon ng administrasyong Duterte na linangin na ang ground zero.
Isa aniyang modernong Islamic City ang balak ng pamahalaan sa gitna ng re-development para sa Marawi na lubhang nawasak bunsod ng limang (5) buwang bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at Maute – ISIS.
Isang showcase city ang plano para sa nasirang lungsod na may 4 lane highways at world class promenade.
Una nang ipinabatid ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tatlongpung porsyento (30%) na ng lungsod ng Marawi ang nalinis sa mga pampasabog.
Sa kasalukuyan, mayroon nang limangdaang (500) military engineers ang naipakalat sa Marawi City para tumulong sa recovery, reconstruction at rehabilitation operations.