Ilalarga na ang rehabilitasyon ng mga bahay na nasira ng lindol sa Batanes.
Ayon kay Batanes Governor Malou Cayco, nasa 80 tradisyunal na bahay na bato na karamihan ay nasa Itbayat ang nasira sa lindol.
Tiniyak ni Cayco na gagawin nilang mas matibay ang mga itatayong bahay na bago kung saan lalagyan na rin ito ng bakal at semento.
Tinatayang 9 katao ang nasawi samantalang 60 iba pa ang nasugatan sa kambal na lindol na yumanig sa Batanes.