Ikinakasa na ng pamahalaan ang rehabilitasyon para sa mga residente ng Batangas na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Usec. Ricardo Jalad (NDRRMC), kumakalap na sila ng mga datos para isailalim sa masusing assessment kasabay ng nagpapatuloy namang clearing operations.
Bubuo rin aniya ng isang inter-agency committee na siya namang tututok sa mga kakailanganin sa pagbangon ng mga Batangueño mula sa epekto ng pag-aalburuto ng bulkan.
Batay sa datos ng Batangas provincial government, nasa 12,000 kabahayan ang hindi na maaaring tirhan dahil sa pinabagsak na ang maito ng makapal na abo na ibinuga ng Bulkang Taal. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)