Muling tiniyak ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na patuloy ang kanilang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit (MRT).
Ito’y sa kabila ng hindi matapos-tapos na mga aberya sa naturang rail transit system lalo kapag rush hour.
Ayon sa DOTC, mararamdaman na sa susunod na taon ang ginhawa sa pagsakay sa MRT kasabay ng pagdating ng mga karagdagang bagon.
By Drew Nacino | Allan Francisco