Nakatakda na ring ayusin ang mga escalator ng Metro Rail Transit 3 sa susunod na Walong buwan.
Ito, ayon sa Department of Transportation and Communications, ay makaraang i-award nila ang kontrata para sa pag-rehabilitate ng Tatlumpu’t Apat na MRT-3 Mitsubishi escalators.
Ini-award ng DOTC ang P. 65.4 Million Peso Project sa International Elevator and Equipment Incorporated sa pamamagitan ng Department of Budget and Management’s Procurement Service.
Kabilang sa mga istasyon na sasailalim sa escalator refurbishment ang Araneta Center-Cubao; Shaw Boulevard; Boni Avenue; Buendia; Ayala at Taft.
By Drew Nacino