Nagsimula nang gumulong ang rehabilitation plan para sa Marawi City.
Ipinabatid sa DWIZ ni Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong na sinimulan nang plantsahin ng mga ahensya ng gobyerno ang kani-kanilang papel sa muling pagbangon ng nasabing lungsod matapos ang halos limang buwang bakbakan ng militar at ng grupong Maute.
Sinabi pa ni Adiong na bago pa man ideklara ng Pangulong Rodrigo Duterte na liberated o Malaya na ang Marawi City, gumulong na ang kanilang early recovery efforts para maibalik sa normal ang lungsod.
Dapat aniyang maunang maibalik ang mga serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno para sa mga taga-Marawi.
Natapos na nga po natin ‘yung planning, inaayos na po ‘yung details ng mga sub-committees para ‘yung response ng ating mga Task Force Bangon Marawi would not only reflect… responsive doon sa pangangailangan but at the same time durable na gagawin. If it effective and efficient measures po ang gusto nating i-implement.
Pondo sa rehabilitasyon ng Marawi posibleng madagdagan
Posibleng madagdagan pa ang 48 billion pesos na pondong kailangan para sa rehabilitasyon ng marawi city.
Ito ayon kay armm assemblyman zia alonto adiong ay dahil wala pa silang assessment sa reconstruction component lalo nat patuloy pa rin ang mopping and clearing operations ng mga sundalo sa main battle area.
Sinabi sa dwiz ni adiong na hindi pa napupuntahan ng post assessment team ang mga barangay na nasa loob ng conflict zone.
‘Yung initial po na… proposal talaga natin 48 billion, it could go higher pagdating doon sa pag-actual na nakita natin ‘yung data, based on sa na-damage na infrastructure natin.