Halos 90 porsyento nang kumpleto ang rehabilitation projects sa Cebu at Bohol matapos yanigin ng malakas na lindol nuong 2013.
Sinabi ni DILG Undersecretary Austere Panadero na tiwala silang babalik na sa normal ang delivery ng basic services ngayong halos kumpleto na ang mga nasirang government facilities sa Cebu at Bohol.
Ayon kay Panadero sadyang mahaba ang proseso nang pag rekober mula sa lindol subalit dahil sa matagumpay na implementasyon ng BEA o Bohol Earthquake Assistance Projects sa Bohol at Cebu nakapag develop na aniya sila ng blueprint para rehab efforts sa mga susunod na panahon sa iba pang lugar sa bansa na naapektuhan ng lindol.
Ipinabatid ni Panadero na nakikinabang na ang libu libong Boholanos at Cebuano mula sa halos 1000 nakumpletong BEA Repair at Reconstruction Projects.
Mayruon pa aniyang 103 BEA projects ang hindi pa natatapos.
By: Judith Larino
SMW: RPE