Lumarga na ang Rehiyon-Rehiyon Festival sa lungsod ng Marikina ngayong araw.
Ito’y bilang bahagi pa rin ng ika- 23 anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ng Marikina.
Pinangunahan mismo ni Marikina City Mayor Narcelino Teodoro ang pagdiriwang sa Marikina Sports Complex na dinaluhan naman ng aabot sa 17,000 katao.
Duon, binigyang pagkilala ni Teodoro ang mga migrante na piniling manatili sa Marikina at nag-ambag sa kanilang lokal na ekonomiya.
Sinundan ito ng makulay na parada at pagtatanghal mula sa mga mag-aaral ng Marikina kung saan, tampok dito ang mayamang kultura ng pagsasapatos ng lungsod.