Matapos ang ilang araw na pananatili sa Pilipinas, nagpaalam na si Reigning Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu kung saan babalik sa New York.
Ibinahagi ng beauty queen, hindi na sya makapaghintay na makabalik sa pilipinas kung saan inilarawan pa nito bilang the best kung saan nakapasyal ito sa Vigan, Ilocos Sur.
Base sa instagram stories na inupload nng 22 year old, nagpasalamat naman ito sa pagmamahal at suporta na ipinakita sa kanya sa bansa.
Matatandaang, nagsilbi bilang isang hurado si Harnaaz sa idinaos na coronation ng Miss Universe Philippines kung saan kinoronohan ang pasay beauty queen na si Celeste Cortesi.