Dumating na sa Pilipinas si reigning Miss Universe Harnaaz Sandhu.
Ito ay para dumalo sa Grand Coronation Night ng Miss Universe Philippines 2022, na magaganap sa Mall of Asia Arena sa Abril 30.
Personal na sinalubong si Harnaaz ni Narvacan Ilocos Sur Mayor Luis Singson at anak nitong si Richelle Singson-Michael.
Ito ang first country visit ng beauty queen matapos manggaling sa hometown nito sa India.