Posibleng maibalik sa mga estudyante ng State Universities ang Colleges ang mga nagastos nila sa kanilang miscellaneous fees nuong nakaraang school year.
Ito ay matapos na mailunsad ng Commission on Higher Education (CHED) ang Implementing Rules and Regulations o Guidelines para sa implementasyon ng Free Higher Education Act.
Paliwanag ni Ched officer – in – charge Prospero De Vera , sakop ng probisyon ang pagkokonsidera sa mga siningil na miscellaneous fees para sa 2nd semester ng mga SUC’s na nagbukas ng kanilang pasukan noong Enero ng nakaraang taon.
Una nang nanawagan si Kabataan Party-list Representative Sarah Elago at ilang student leaders na ma-refund ang naturang miscellaneous fees na ikinarga sa mga mag – aaral sa kabila ng pag-apruba sa libreng matrikula sa kolehiyo.