Umapela ang Philippine Hospitals Association (PHA) sa mga pasyente na mayroong mild coronavirus disease 2019 (COVID-19) symptoms na magpa-confine na lamang sa maliliit na ospital kaysa malalaking ospital na nahaharap na sa overloaded capability.
Ayon kay Dr. Jaime Almora, pangulo ng PHA, hindi naman nangangailangan ng critical equipment na iniaalok ng malalaking ospital ang mga mild cases.
Sinabi ni Almora na bagamat maaaring palawigin ng mga malalaking ospital ang kanilang operasyon, hirap silang gawin ito dahil sa limitado at pagod na staff nila.
Dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa, binigyang diin ni Almora na kailangan ang dagdag na manpower sa mga ospital, gayundin ang redistribution ng mga pasyente na ang ilan mula sa mga lalawigan ay nais ma-confine sa mga ospital sa Metro Manila.
Hindi aniya time out ang solusyon kun’di reinforcement, lalo nasa nursing services, lalo pa’t overworked na ang mga nurse.