Ihihirit ni SPO3 Ricky Sta. Isabel ang reinvestigation sa kasong pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo kung saan siya ang itinuturong isa sa mga suspects.
Ayon kay Atty. Jose Pallugna, abogado ni Sta. Isabel, nabigo ang PNP o Philippine National Police na isama sa kanilang imbestigasyon ang iba pang mga pulis na posibleng may kinalaman rin sa krimen.
Tinukoy ni Pallugna ang pahayag ng kanyang kliyente na mayroong mga senior officers ng PNP ang hindi isinama sa imbestigasyon kahit pa idinadawit rin ang mga ito.
Ibinunyag ni Pallugna na unti-unti nang lumalabas ang mga ebidensya laban sa ilang senior officers ng PNP ngayong pumasok na sa eksena ang National Bureau of Investigation (NBI).
By Len Aguirre
Photo Credit: CNN PH