Tiniyak ng DOJ o Department of Justice na walang selective justice na mangyayari makaraang muling binuksan ang imbestigasyon nito kaugnay sa multi-Bilyong Pisong pork barrel fund scam.
Ito’y matapos ipag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang re-organization ng task force PDAF na siyang tututok sa mga sangkot sa nasabing kontrobersiya.
Itinalaga ni Aguirre si Undersecretary Antonio Kho para pangunahan ang panel of prosecutors at NBI agents sa pagsusuri sa mga ebidensyang isusumite ni pork barrel queen Janet Lim Napoles.
Ito aniya ang siyang papalit sa task force ng NBI na binuo ni Senadora Leila de Lima nuong siya pa ang Justice Secretary na nagsagawa ng fact finding investigation at nagpakulong kina dating Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
Reinvestigation sa pork barrel scam muling binuksan was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882