Opisyal nang sisimulan ng DOJ o Department of Justice ang reinvestigation sa multi-bilyong pisong pork barrel fund scam.
Ito ay matapos na ipag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang reorganization sa Task Force PDAF (Priority Development Assistance Fund) para sa muling pagbuhay sa imbestigasyon.
Ayon kay Aguirre, itinalaga niya si Undersecretary Antonio Kho para pangunahan ang grupo ng mga prosecutor at NBI agents sa pagsusuri sa mga ebidensyang isusumite ni pork barrel queen Janet Lim Napoles.
Ang naturang team ang siyang papalit sa task force ng NBI na binuo ni noo’y Justice Secretary Leila de Lima na nagsagawa ng fact finding investigation na naging dahilan para makulong ang mga senador na si Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
Siniguro ni Aguirre na sa kanilang gagawing imbestigasyon ay hindi magkakaroon ng selective justice tulad nang nangyari noong nakaraang administrasyon.
By Rianne Briones
Reinvestigation sa pork barrel scam sinimulan na ng DOJ was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882