Nangako ang Department of Education (DepEd) na iimbestigahan ang reklamo ng harassment kula sa isang highschool student at alumni ng miriam college laban sa kanilang mga guro
Ayon kay Education Underscretary Tonisito Umali, masusi nilang sisiyasatin ang mga nabanggit na reklamo.
Dagdag ni Umali, titiyakin nilang ipinatawag na ng nasasangkot na pribadong eskuwelahan ang kanilang child protection committee para makapagsagawa rin ng imbestigasyon, alinsunod na rin sa ipinalabas na guideline ng DepEd noong 2012.
Sinabi pa ni umali na batid din ng kagawaran ang iba pang katulad na reklamo ng mga estudyante at iginiit na hindi ito ito-tolerate ng deped.
Kamakailan, nagtrending ang hashtag na #MCHSDoBetter sa Twitter kung saan ibinahagi ng estudyante at alumni ng Miriam College High School ang naranasan nilang umano’y sexual harassment at emotional manipulation mula sa kanilang mga guro.