Dismayado ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasunod ng reklamo ng ilang driver at operators na hindi pa nababayaran sa ilalim ng Service Contracting Program o Libreng Sakay ng naturang ahensya.
Ayon kay LTFRB Executive Director Cristina Cassion na kahit nade-delay ng isa o dalawang linggo ang sahod, ay regular naman sila anya nagbabayad sa mga nasabing driver.
Sa katunayan aniya ay sa loob ng pitong linggo, ay nakapaglabas na ang LTFRB ng kabuuang P2.9-B.
Giit ni Cassion, na walang katotohanan na hindi nagbabayad ang LTFRB sa mga driver.