Nakahanda ang Department of Interior and Local Government (DILG) na harapin ang isasampang reklamo ng grupo ng mga tricycle operator at drivers.
Kasunod ito ng banta ng National Confederation of Tricycle Operators and Driver Association (NCTODA) na maghahain ng petisyon sa korte para harangin ang memorandum circular no. 2020-036 o pagbabawal sa mga tricycles na dumaan sa mga national highways.
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, layunin ng ipinalabas nyang memorandum ang matiyak ang kaligtasan hindi lamang ng mga mananakay kundi maging ng mga drivers.
Makatutulong din aniya ang pagbabawal sa mga tricycle at pedicab sa mga national highway para maayos ang problema sa trapiko sa malaking bahagi ng bansa.
Nilinaw naman ni Año na bagama’t wala silang inilatag na alternatibong ruta para sa mga tricycle, maaari naman aniyang magpalabas ng ordinansa ang mga logal government units (KGUs) hinggil sa pagbiyahe ng mga ito basta’t alinsunod sa inilabas na guidelines ng DILG.