Ipinapaayos ng Senate Electoral Tribunal o SET ang inihaing reklamo ni Rizalito David laban kay Senadora Grace Poe.
Ayon kay Senior Associate Justice Antonio Carpio, Chairman ng SET, kailangang munang ayusin ni David ang kaniyang reklamo bago sila magpulong.
Hindi naman tinukoy ni Carpio sa media kung ano ang naging pagkakamali o problema sa inihaing reklamo laban sa Senadora.
Partikular na kinuwestyon ni David ang citizenship ng Senadora bagay na pinabulaanan naman nito.
By Jaymark Dagala