Iimbestigahan na ng Department of Social Welfare and Development ang mga reklamo kaugnay sa relief packs na tanging laman ay mga lata ng sardinas na ipinamahagi sa mga evacuees sa Marawi.
Ayon kay Social Welfare Undersecretary Luzviminda Ilagan, naglalaman ng iba’t ibang uri ng canned goods tulad ng corned beef at cereals ang nilalaman ng ipinamahagi nilang relief packs sa “bakwit.”
Kataka-taka anyang nagbago ang nilalaman ng foodpacks gayong modernisado naman na ang kanilang packing mechanism.
Nag-ugat ang alegasyon sa gitna ng isang event ng D.S.W.D. sa Quezon City nang maglabas ng hinaing ang isang kinatawan ng mga internally displaced person.