Iginiit ng pambansang pulisya na bumaba na ang bilang ng mga pulis na sinasampahan ng reklamo sa Ombudsman.
Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Dionardo Carlos, batay sa hawak nilang datos, mahigit 1000 na lamang ang mga pulis na kinasuhan sa Ombudsman nitong 2016 kumpara sa mahigit 1200 noong 2015.
Ayon kay Carlos, mga reklamo mula sa mga naarestong suspek ang karamihan sa mga kaso ng pulis.
Una rito, pumangalawa umano ang PNP sa listahan ng mga ahensya ng gobyerno na may pinakamaraming kaso sa Ombudsman.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal