Sangkaterbang reklamo ang natanggap ng PNP o Philippine National Police makaraan nilang ilunsad ang hotline kontra police ‘scalawags’.
Ayon kay PNP Counter-Intelligence Task Force Head Sr. Supt. Chiquito Malayo, umabot na sa 1,281 na sumbong laban sa mga abusadong pulis ang idinulog sa kanilang tanggapan.
Nangunguna sa listahan ng reklamo ay ang pangongotong, droga at kidnapping.
Kaugnay nito, sinabi ni Malayo na kailangang i-validate ang lahat ng reklamo sa mga naturang pulis bago sila magsagawa ng imbestigasyon.
Trip to Basilan
Isinasapinal na lamang ng Pambansang Pulisya ang listahan ng mga pasaway na pulis na dadalhin patungong Basilan.
Ito’y ayon kay Dir/Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte para linisin ang hanay ng pulisya.
Dagdag pa ng PNP Chief, isasakay sa C130 sa Villamor Airbase ang mga police scalawag na dadalhin sa Zamboanga o Basilan.
Binigyang diin pa ni Dela Rosa na dalawa lamang ang maaaring pagpilian ng mga pulis, ang magbago at magpunta sa Basilan o magbitiw na lamang sa puwesto.
By Meann Tanbio | Report from Jonathan Andal (Patrol 31) | Jaymark Dagala