Nagsampa ng reklamo sa United Nations ang mahigit 30 mangingisda mula Zambales.
Ito ay dahil umano sa pagtataboy sa kanila ng China sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc, gamit ang water cannon.
Sa tulong mg mga abogado ng UP Law Center Institute of International Legal Studies, inihain ng grupo ang reklamo sa UN High Commissioner for Human Rights at UN Special Rapporteur on the Right to Food.
Hiling ng grupo, payagan ang mga mangingisdang Pilipino na makapaghanap-buhay sa Panatag Shoal.
By Meann Tanbio