Pina-iimbestigahan na ni Senador Koko Pimentel sa Senate Committee on Commerce and Trade ang mga reklamo hinggil sa sudden unitended acceleration o SUA ng mga Mitsubishi Montero Sports utility vehicle.
Sa resolution 1671 ni Pimentel, layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maprotektahan ang consumer rights at mapangalagaan ang kapakanan ng mga motorista.
Ayon sa senador, 23 insidente ng SUA ang naitala ng PNP-Highway Patrol Group kung saan ang sangkot ay mga Montero SUV.
Iginiit ni Pimentel na libu-libong motorista at pasahero ang bumibiyahe kada araw kaya’t may responsibilidad ang Kongreso na alamin kung may pangangailangan na amyendahan ang umiiral na batas na nagbibigay garantiya sa mga automobile manufacturer.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)