Nanindigan si Rizalito David na kaniyang ipupursige ang inihain niyang quo warranto laban kay Senadora Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET).
Ito ang sagot ni David sa naging pahayag ng election lawyer Romulo Macalintal na malabnaw umano ang reklamo dahil paso na ang panahon para ihain ito.
Sa panayam ng DWIZ kay David, sinabi nito na hayaan ang SET na magsabi kung saklaw pa rin nila o hindi ang usapin ng citizenship ng Senadora.
“Hindi naman po kasi barred na doon i-file dahil ang isyu naman ng citizenship ongoing po ‘yan eh, wala din namang prohibition na doon mo i-file sa SET, ngayon kung ang SET will say na hindi ito ‘yung proper forum then we just have to go to the Supreme Court, eh ayaw natin na makarating na dun ‘yan, lalali nang lalaki, napaka-simpleng bagay po niyan eh.” Ani David.
Binuweltahan pa ni David si macalintal sa aniya’y pakikisawsaw nito sa usapin gayung isang tanong lamang ang nais niyang masagot sa tamang pamamaraan.
“Eh wala naman po akong selfish motivation diyan eh nagtataka ako kay Atty. Mac, sumasali siya diyan sa usapan na ‘yan eh ano ba talaga ang motivation niya.” Pahayag ni David.
By Jaymark Dagala | Karambola