Posibleng desisyunan na ng International Criminal Court (ICC) sa susunod na taon ang reklamong ‘crime against humanity’ laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa ICC report, mayroon silang nakitang sapat na basehan upang ipagpatuloy ang kanilang imbestigasyon.
Iginiit ng ICC na mayroon pa rin silang hurisdiksyon sa kaso dahil naihain ito bago pa man umurong ang Pilipinas mula sa rome statute, ang tratado na bumuo sa ICC.
Ang kaso laban sa pangulo ay inihain ng National Union of Peoples Lawyers noong August 2018 samantalang ang pag urong sa rome statute ay noong Marso lamang ng taong ito.