Pumalo na sa higit 200 ang mga reklamong natatanggap ng Commission on Human Rights (CHR) na may kaugnayan sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
Sa pahayag ng tagapagsalita ng CHR na si Atty. Jacqueline De Guia, sinabi nito na nakatanggap ang ahensya ng 103 ECQ-related cases nitong buwan ng Marso at karagadagang 136 na naitala naman ngayong buwan ng Abril.
Dagdag pa ni De Guia, maliban sa mga reklamo ukol sa pagde-detain, may ilang kaso rin na may kaugnayan sa mga residenteng hindi nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.
Kasunod nito, pinaalalahanan ni De Guia ang mga otoridad na mga ipinapataw na parusa ay dapat sang-ayon sa batas.
Samantala, sa tala ng CHR, ilan sa mga reklamong kanilang iniimbestigahan sa ngayon ay ang umano’y pwersahang pagpapalaklad ng dalawang oras sa mga nahuling lumabag sa ECQ sa Caloocan City, na anila’y malinaw na paglabag sa republic act number 9745 o ang anti-torture act.