Nasa final stage na ang rekomendasyon kung palalawigin pa o hindi na ang ipinaiiral na martial law sa Mindanao.
Ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, spokesman ng AFP o Armed Forces of the Philippines, isinasapinal na nila kasama ang Philippine National Police (PNP) at Department of Defense o DND ang kanilang rekomendasyon at umaasang matatapos nila ito bago ang nakatakdang deadline.
Ngunit, aniya, malabong mailabas ang rekomendasyon bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang martial law sa Mindanao ay inaasahang matatapos sa loob ng animnapung araw alinsunod sa nakasaad sa saligang batas.
- Arianne Palma | Story from Aileen Taliping