Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng IATF na ilagay ang Cebu Province sa General Community Quarantine “with heightened restrictions” mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula kahapon hanggang Agosto 15.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nire-classify rin ang GCQ “with heightened restrictions status” ng Laguna, Aklan at Apayao na isinapinal itinaas sa MECQ
Samantala, inaaprubahan naman ng IATF ang pagpapaikli sa “detection to isolation-quarantine interval” ng limang araw.
Inaprubahan po ng IATF ang pagpapaikli ng detection to isolation quarantine interval sa mas mababa na limang araw o less than 5 days kasama rito ang pagpapagawa po ng active case findings sa lahat ng mga lugar, pagbibigay ng mga prayoridad sa mga merong … at tracing ng close contact. Suspect, probable at confirmed cases sa loob ng 24 oras, pagkatapos madetect ang kaso, ang mabilisang isolation, quarantine at testing ng mga kaso at close contact, paggamit ng antigen-test , suspect probable case,″ pahayag ni Spokesperson Harry Roque.—sa panulat ni Drew Nacino