Inaprubahan ng Inter Agency Task Force (IATF), ang isa sa mga rekomendasyon ng Metro Manila Council.
Tinukoy ni Presidential Spokesman Harry Roque ang rekomendasyon na ipaubaya sa mga local government units (LGU) kung meron silang mga barangay na dapat ilagay sa enhanced community quarantine (ECQ).
Dahil dito, hinati anya sa iba’t-ibang SONA ang mga lugar na nasa ilalim ng modified ECQ ang critical zone, containment zone at buffer zone upang mabilis na matukoy ng LGU kung saan dapat ipatupad ang modified at ang dating ECQ.
Ang critical zone, ito syempre yung matataas ang kaso kinakailangan merong more than 20 cases for every 100,000 at itong mga critical zone na ito, mananatili under ECQ as we know it at iyan din ang mangyayari sa containment zone, ito yung mga areas na nakapaligid sa critical zone dahil hindi naman natin maiiwasan talaga na tratuhing isang geographical region yung critical zone at containment zone. Doon naman sa buffer zone atsaka doon sa outside of the buffer zone doon na hahayaan ng magbukas ang ilang mga industriya,” ani Roque.