Tutol ang bayan sa panukala ng Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ng mga sibilyan bilang force multiplier para sa mga sundalo at pulis.
Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng bayan mapanganib ang nasabing hakbangin at maraming pang-aabuso na ng paramilitary groups ang naitala.
Tinukoy ni Reyes ang pagpatay sa paring si Tullio Favali ng grupong tadtad noong panahon ng rehimeng Marcos at Ampatuan massacre nuong panahon ng dating Pangulong Gloria Arroyo.
Sinabi ni Reyes na sadyang nakakapangamba ang naturang panukala lalo nat walang training at hindi matitiyak ang disiplina ng civilian organizations kayat hindi malayong mauwi ito sa pang-aabuso.
Magmi mistula aniyang wild wild west ang Pilipinas kapag pinayagan ang pag-aarmas ng civilian organizations na magdudulot ng kaliwat kanang pagpatay at gagamitin ng PNP at AFP sa black propaganda operations nito na hindi nila kayang panindigan dahil sa pagiging iligal.