Welcome sa Commission on Human Rights ang rekomendasyon ng House Quad Committee na kasuhan ng crimes against humanity sina dating pangulong Rodrigo Duterte; Senador Ronald Dela Rosa; Christopher “Bong” Go, at ilang iba pa kaugnay sa kontrobersyal na drug war campaign ng nakaraang administrasyon.
Kaugnay nito, iginiit ng CHR na walang sino man ang nakatataas sa batas, may posisyon man o wala.
Binigyan-diin pa ng komisyon na panahon na para kilalanin ng bansa na ang totoong hutisya ay nangangailangan ng makatarungan at makataong solusyon.
Nabatid na kabilang din sa mga inirekomendang kasuhan ng quadcomm sina dating PNP chiefs Oscar Albayalde at Debold Sinas; dating PCSO general manager Royina Garma, dating NAPOLCOM commissioner Edilberto Leonardo, at dating palace aide Ermina “Muking” Espino. – Sa panulat ni Kat Gonzales