Nararapat lamang managot si dating PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde sa tangkang panghihimasok nito sa kaso ng mga tinaguriang ninja cops noong siya pa ang pinuno ng Pampanga provincial police office.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na siyang dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) bilang reaksyon sa naging rekumendasyon ng Senado na papanagutin din si Albayalde sa nasabing usapin.
Ayon kay Magalong, halata namang malakas ang mga ebidensya na magdiriin kay Albayalde sa kaso kahit pa circumstancial lamang ang mga ito.
Ako nakita ko na eh, dahil dun sa hearing na ‘yon lumabas na yung ibang hindi namin alam nung inimbestigahan namin kahit na circumstancial, as long as you have established an unbroken chain of events o kaya yung mga circumstancial events o incidents, they corroborate, malakas na ang laban natin,” ani Magalong.
Ang nangyaring ito kay Albayalde ayon kay Magalong ay magsilbing isang hamon sa bagong pamunuan ng PNP upang hindi na maulit ang modus ng mga pulis.
At yan ang challenge sa kanila ngayon kung paano nila mapapahinto. Ang maganda nito merong transformation program ang ating kapulisan, yan ang tinatawag nating patrol plan 2030. Yun palang malaking bagay na ‘yun maipatupad lang nila ng maayos yung kanilang transformation program eh malaking impact dun sa behaviour ng kanilang mga tao ay is not the guarantee na 100% ay talagang malinis considering the fact na 190,000 sila. Pero it would be a very significant development,” ani Magalong. — sa panayam ng Usapang Senado.