Itinuturing ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na isang political attack laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ipinalabas na rekomendasyon ni Vice President Leni Robredo.
Kaugnay uito ng ibinigay na grado ni Robredo sa kampanya konta ilegal na droga ng pamahalaan nang maupo ito bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sa tingin ko it’s a personal attack against the president,” ani Aquino.
Ayon kay Aquino, hindi man lamang binanggit ni Robredo ang mga naging tagumpay ng kampya kontra ilegal na droga batay sa kanilang inilatag na datos sa pangalawang pangulo sa isang briefing.
Mukang nakalimutan nya na yung mga datos na ipinakita sakanya noong drug czar pa sya. Sa kabila ng mga accomplishments ng war on drugs, paano nasabi ni Robredo na palpak ito?” ani Aquino.
Kabilang aniya rito ang mahigit 160,000 na ikinasang operasyon kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng mahigit 200,000 supsek at pagkakasabat ng nasa P45-bilyong halaga ng ilegal na droga mula 2016 hanggang 2019; pagiging drug free ng mahigit 16,000 o katumbas ng 49% ng mga barangay sa buong bansa; at pagbaba ng mga insidente ng krimen sa 5,000 nitong July 2019 mula sa halos 12,000 mula July 2016.
Dagdag ni Aquino, patunay din ang nakuhang mataas na trust and satisfaction rating ng ‘war on drugs’ batay sa survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan 82% ng mga Pilipino ang kuntento rito.
Puro kapalpakan lang ang mga binanggit nya wala man lang siyang napuri sa efforts ng gobyerno sa war on drugs,” ani Aquino. —sa panayam ng Ratsada Balita