Nagsumite na ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Civil Aviation Authority of the Phillipines (CAAP), para maisaayos ang Air Traffic Management System ng bansa.
Kasunod ito ng nangyaring technical glitch sa Air Traffic Management System noong linggo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Noong 2019 nang simulan ng CAAP gamitin ang Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management System na maituturing nang luma.
Habang noon pang 2017 ito pinondohan ng Japan International Cooperation Agency sa halagang P10.8B.