Inilatag ng grupo ng mga magsasaka ang mungkahi nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para upang maisakatuparan ang planong maibaba ang presyo ng bigas.
Ayon kay Bagong Maunlad na Pilipinas Movement President Gary Dela Paz, kabilang dito ang pagpapanatili ng farm gate price ng bigas sa anim na piso mula sa 17 piso at 86 na sentimo.
Aniya, ito ay posibleng maabot kung magpapatupad ng direct to consumer logistics model tulad ng ginagamit sa programang Kadiwa Express ngayong panahon ng pandemya.
Sa pamamagitan nito ay kayang maibaba sa 10 piso kada kilo ang bigas.
Binigyang-diin naman ni Dela Paz na nakapagsumite na sila ng liham kay Pangulong Marcos Jr. kaugnay sa naturang usapin.