Pag-aaralan ng Office of the President ang rekomendasyon ng mga gabinete upang mapagaan ang epekto ng taas-presyo sa langis.
Ayon kay Communication Secretary Martin Andanar, kabilang sa pag-aaralan ang mungkahi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng tatlong buwang subsidiya para sa 1M minimum wage earners sa bansa.
Sa nasabing rekomendasyon, nangangailangan ito ng P24B.
Maliban dito, pag-aaralan din ng op ang rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) kaugnay sa pagpapatupad ng 4-day work week at pagpapalawig ng work from home arrangement. – sa panulat ni Abby Malanday