Magpupulong mamayang gabi ang mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC) para pag-usapan ang magiging rekomendasyon nito hinggil sa bagong quarantine status na ipatutupad sa susunod na buwan sa Metro Manila.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng MMC, kasama aniya sa naturang pagpupulong ang mga eksperto mula sa Philippine Pediatric Society at OCTA research.
Mababatid ani Olivarez, na kabilang sa kanilang pagbabatayan ay ang tindi ng bagong variant ng COVID-19.
Sa huli, giit ni Olivarez, kung lungsod ng Parañaque ang masusunod mas gugustuhin aniya nito na pananatilihin sa general community quarantine (GCQ) ang mga lungsod na sakop ng National Capital Region (NCR).