Isusumite na ng Department of Health o DOH sa tanggapan ng pangulo ang kanilang rekomendasyong babaan ang presyo ng ilang gamot sa merkado.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 70 porsyentong mas mataas ang presyo ng gamot sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.
Oras na mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order ay halos kalahati ang itatapyas sa mga presyo ng piling gamot.
Nakabatay aniya ang kanilang ipinasang rekomendasyon sa RA 9502 o ang Cheaper Medicines Act of 2008.
Magugunitang noong Setyembre ay pinangalanan na ng naturang kagawaran ang nasa higit 100 gamot para sa mga ikinukunsiderang “major illnesses” sa bansa na kasama sa tapyas presyo.