Tutol ang Department of Health (DOH) sa mungkahing gawing requirement ang “vaccine passes” sa pagpasok sa mga indoor establishments.
Ito’y dahil ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pa namang katiyakan na hindi makakahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID19) ang mga nabakunahan nang indibidwal.
Base aniya sa mga inisyal na pag-aaral, wala pang kakayahan ang mga bakuna para sagkaan ang pagkalat ng virus.
Ayon kay Vergeire,, ang kayang gawin pa lamang sa ngayon ng mga available na COVID-19 vaccines ay pigilan mas malalang impeksiyon, gayundin ang pagkaka-ospital ng pasyente.
Matatandaang inihayag ni Department of Trade and Industry o DTI Secretary Ramon Lopez na nakikipag-ugnayan na sila sa restaurant sector para sa posibleng paglalatag ng vaccine pass system.