Tutol ang Department Of Health (DOH) na ibaba sa level 3 ang alert level sa National Capital Region sa kabila ng pagbaba ng COVID-19 cases.
Ayon sa DOH, noon lamang isang linggo sinimulan ang pilot implementation ng bagong alert level system at masyado pang premature kung ibababa ito sa level 3 mula sa kasalukuyang level 4.
Tumataas pa rin anila ang cases sa NCR pero bumagal lamang ang hawaan base sa positive growth rates at average daily attack rates na iniulat sa mga nakalipas na linggo.
Iginiit ng kagawaran na hindi pa dapat magpaka-kampante ang publiko dahil kahit marami na ang nabakunahan aynananatiling banta ang COVID-19.—sa panulat ni Drew Nacino