Ibinasura ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa simula sa unang araw ng Marso.
Ayon ito mismo kay Senador Christopher Bong Go dahil pinaninindigan aniya ng Pangulong Duterte ang posisyong walang bakuna, walang munang MGCQ.
Sinabi ni Go na naniniwala ang pangulo na ang estadong MGCQ ay hindi magiging kapaki-pakinabang sa buong bansa at sa halip ay baka magdulot pa ng problema.
Ipinabatid din ni Go na ipinaabot na ng pangulo kay Education Secretary Leonor Briones na hindi pa siya handang payagan ang face-to-face classes.
Tiwala aniya ang pangulo na maiintindihan ng mga Pilipino at economic managers ang sitwasyon kaya’t nagpasya siyang manatili sa GCQ ang maraming lugar sa bansa. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)