Tuloy ang rekomendasyon ng Department of Energy o DOE na pansamantalang itigil ang implementasyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa susunod na taon.
Ito ayon kay Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad ay sakaling tumagal pa ng tatlong buwan ang 80 dollars kada bariles na halaga ng krudo sa world market.
Nakasaad sa Tax Reform Law para sa January 2018 ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa P7 kada litro mula sa noo’y P4.35.
—-