Suportado ng University of the Philippines (UP) OCTA research team ang rekumendasyon ng mga alkalde na manatili sa general community quarantine ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay UP OCTA research team member Prof. Guido David, hindi pa rin nawawala ang banta ng COVID-19 lalo’t unti-unti na namang tumataas ang kaso ng virus sa ganitong mga panahon.
Giit ni Prof. David, bagama’t hindi pa naman tuluyang mapipigilan ang pagsipa ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, tiwala silang maaari na itong maagapan pagpasok ng susunod na taon.
Ngayon nga medyo lumalala ang sitwasyon, paano pa kung MGCQ tayo or tanggalin na completely, talagang nag-spike na yung cases natin. Ngayon nga atleast ang hope natin yung increase unti-unti lang kung magkaroon man ng increase para ma-manage natin ‘pag balik ng January kahit mag-increase tayo, kahit maging 500 cases per day tayo kunwari, pwede nating i-control ulit yung pandemic at hihigpitan natin ng kaunti sana lang hindi umabot ng 1,000 pero ang hope natin ay something na manageable para hindi naman ma-overwhelm yung mga hospitals natin,” ani David.
Pero nilinaw ni Prof. David na hindi ibig sabihin na mayruon nang bakuna kontra COVID-19 ay magbibigay na ito ng lisensya sa karamihan para magwalang bahala at hindi sumunod sa minimum health protocols.
Yung bakuna hindi naman ‘yan parang okay na lahat kapag may vaccine. Yung basa natin efficacy lang ang ginagawa ng vaccine kumbaga yung mga tao hindi sila immune nakukuha lang nila yung virus pero hindi lang sila nagdi-display ng symptoms kaya hindi ako sigurado kung maa-attain natin yung herd immunity kahit may vaccine. Saka hindi natin mapapabakunahan lahat ng tao baka by next year pa tayo makakuha in sufficient supply,” ani David. — panayam mula sa Balitang 882.