Posibleng ilabas sa Huwebes o Biyernes ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC), kung palalawigin ang sakop ng pagtuturok ng ikalawang COVID-19 booster shot.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, pinag-aaralan pa ng HTAC ang programa batay sa datos ng World Health Organization (WHO), Centers for Disease Control and Prevention, Food and Drug Administration (FDA), at United Kingdom Joint Committee on Vaccination and Immunisation.
Hindi naman pangungunahan ni Duque ang HTAC at hihintayin ang magiging desisyon nito.
Kahapon, sinimulan sa NCR ang pagtuturok ng ikalawang booster para sa mga immunocompromised individuals, kung saan nasa 7K hanggang 10K ang makatatanggap.