Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng kaniyang economic team patatagin ang domestic economy sa kabila ng hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nakapaloob ito sa naganap na pulong kahapon na ipinatawag ng Pangulo.
Maliban sa pagpapatatag ng domestic economy, sinabi ni acting spokesperson Karlo Nograles na layon din nitong maging maayos ang presyo ng pagkain, pagkakaroon ng social protection at pag-explore sa diplometic channels.
Kasabay nito, binigyan din ng pangulo ng green light ang proposal ng Department of Agriculture (DA) para ma-boost ang lokal na produksyon sa bansa. – sa panulat ni Abigail Malanday